KARAPATAN NG MGA HAYOP

               Ang Mga Alagang Hayop

Bawat isa ay may kanya-kanyang karapatan, kahit na mga hayop ay kailangan rin bigyan ng karapatan. Lahat tayo ay nilikha ng may kapal na may pantay-pantay na karapatan. Panatilihin natin ang mga patas na pananaw ng mga tao sa mga hayop. Dahil kahit hayop sila ay nakakaramdam rin sila katulad natin, nasasaktan rin sila at kailangan ng pag-aaruga at pagmamahal. Dahil ang indibidwal ay pantay.

Kailangan ng mga hayop ang tamang pag-aalaga at kabutihan. May mga tamang pag-aalaga sa mga hayop. Kung tutuusin may mga hayop talaga na mahirap pakisamahan. Lalo na kung mabangis ito, ngunit hindi dahil mabangis sila ay dadaanin na rin natin sila sa dahas, ang dapat lang gawin ay paamuhin ang hayop. Matalino ang mga hayop nasasalamin nila sa iyong mga kilos ang takot na iyong nararamdaman. Madali lang silang makaramdam, dahil matalas ang kanilang pakiramdam, kumbaga sensitibo sila sa lahat ng bagay.
Naniniwala ako na karapatan ng mga hayop na mabigyan ng komportableng tirahan, tamang pagkain, at kalayaan. Tirahan na nakakabuti sa kanyang kalusugan upang maging komportable ang alagang hayop sa kanyang bagong bahay at kapaligiran. Mas mabuting nasa tamang temperatura ang tirahan ng mga hayop nang sa ganoon ay maiwasan ang pagkairita ng mga hayop. Nagiging sanhi rin ng pagkakasakit ng mga hayop ang maduming kapaligiran. Nakakatulong rin na mapanatili ang wastong pagkain na kinakain nila upang maiwasan nila ang pagkakasakit. Mas mabuting iwasan ang pagkagutom nila dahil nagiging mabangis ang mga hayop kapag gutom. At higit sa lahat ang kanilang kalayaan, kalayaang maging masaya kung saan man sila nabibilang.
Higit sa lahat, hindi dapat minamaltrato ang mga hayoo. Ito ay labag sa batas, lahat ng hayop ay mag karapatan na mabigyan ng proteksyon. Pagmamahal ang kailangan ng mga hayop at hindi pagmamalupit. Laging isa isip na hindi dapat pagmalupitan ang mga hayop, sila ay dapat bigyan pansin at pagmamahal.
                           
-Grace  B. Lloren

Mga Komento

Kilalang Mga Post