TURISMO SA PILIPINAS

                    Yaman ng Pilipinas
Ang mga likas yaman ay biyaya sa atin ng Panginoon, kaya marapat lamang na atin inyong ingatan at mas pagyamanin pa. Ito ang mga pinagmulan ng atong mga kabuhayan magmula pa sa ating mga ninuno at sa hanggang ngayon. Isa Ito dahilan ng pag lago ng ating bansa.
Ang Pilipinas ay binubuo ng 7,107 na mga isla, 82 na mga lalawigan at 18 na mga rehiyon. Ang Pilipinas ay Kilala sa pagiging "tourist attraction," dahil sa mga nagagandahan mating mga tabing-dagat, mga kabundukan, mga isla at mga diving spot na talaga namang nakakasulit, hindi masasayang ang ilang oras mong byahe dahil pagdating moves iyo/inyong distenasyon ay talagang tanggal ang mga pagod mo.
Ang turismo rin ay may malaking papel sa ting ekonomiya, dahil sa dami ng mga dayuhang pumupunta at tumatangkilik sa ating mga produkto nagkaroon ng malaking pagbabago sa ating ekonomiya.
Ang Pilipinas ang isa sa tinaguriang tourist destination sa buong mundo. Ang mga turista ay naeenganyo mag pabalik balik dito dahil sa napakadaming pwede puntahan at gawin dito, gaya na lamang ng mga lugar na Palawan kung saan dito matatagpuan ang underground river at pati natin ang ilan sa mga pook pasyalan, sa Camiguin Island kung matatagpuan ang Sunken cemetery, Surigao del Sur kung saan matatagpuan ang Enchanted River na talaga na mang nakaganda at sa Surigao del Norte kung saan matatagpuan ang Siargao Island at napakarami pang mga lugar na talaga namang sulit ang magiging bakasyon mo.
Ang Pilipinas ay kilala rin sa mga napakasarap na mga pagkain na talaga namang babalik-balikan mo gaya nalang ng Adobo, Kare-kare, Sisig at napakarami pang iba na binabalik-balikan ang mga dayuhan. Ang mga lokal na produkto ng ating mga kababayang katutubo na tinatangkilik rin ng mga dayuhang turista.
Isa na rin sa dahilan kung bakit bumabalik ang mga turista sa Pilipinas ay ang mga Pilipino dahil sa ating pagiging mabait, mapagkumbaba at ating pagka-maalaga sa mga turistang pumupunta dito.
Sana sa paglipas ng panahon hindi din lumipas ang ganda ng Pilipinas. Sana patuloy itong pangalagaan ng mga taong naninirahan dito, dahil ang mga likas na yaman ang siyang may malaking ruling sa bawat isa sa atin at Kalo na sa ekonomiya ng ating bands, para mapakinabangan pa ito ng mga susunod pang henerasyon.
-Ronjie mae Pornes / Julimae Libando
Source:(http://tagalog.philippinestravelsite.com/turismo-sa-pilipinas/)

Mga Komento

Kilalang Mga Post